38 katao patay matapos mahulog ang sinasakyang bus sa bangin sa Ethiopia

By Rhommel Balasbas March 14, 2018 - 06:47 AM

Courtesy: Fana Broadcasting Corporation / Ethiopian State Media

Umabot sa 38 ang nasawi matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa Amhara region sa Ethiopia.

Ayon sa mga lokal na opisyal, 28 lalaki habang 10 babae ang nasawi na pawang mga university students.

Ayon sa state media na Fana Broadcasting system, 10 pa ang nasugatan sa aksidente.

Nahulog sa lalim na limang metro ang bus.

Ang Ethiopia na may fastest growing economy sa buong rehiyon ng Africa ay kasalukuyang pinapaganda ang kanilang road system.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, nananatiling malaking problema ang poor driving standards at hindi maaayos na pagmimintena sa mga sasakyan sa naturang bansa.

Ito ang dahilan kung bakit kabi-kabila ang nakamamatay na road accidents sa Ethiopia.

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Amhara region, bus, Ethiopia, accident, Amhara region, bus, Ethiopia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.