No-El scenario sa kasagsagan ng Cha-cha, ibinasura ni Ex-SP Nene Pimentel

By Marilyn Montaño March 14, 2018 - 04:42 AM

Sa Senate hearing sa panukalang Charter Change, ibinasura ni dating Senate President Nene Pimentel ang ‘no election’ o ‘no-el scenario’ sa gitna ng pag-amyenda sa 1987 constitution.

Sa kanyang position paper na isinumite sa Senate Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Sen. Kiko Pangilinan, sinabi ni Pimentel na hindi niya sinusuportahan ang anumang hakbang na ipagpaliban ang eleksyon sa buwan ng Mayo.

Ang halalan anya ay ang demokratikong paraan ng mga tao para papanagutin ang mga opisyal na kanilang binoto kaya magkakaroon ng mabigat na epekto ang ‘no-el’.

Si Pimentel, na kasama sa 25-member Consultative Committee na binuo ni Pangulong Duterte para i-review ang 1987 constitution, ay nagbabala na ang epekto ng ‘no-el scenario’ ay mababalewala ang mandato na nag-oobliga sa mga halal na opisyal na sumailalim sa pagsusuri sa pamamagitan ng eleksyon.

Giit pa ni Pimentel, ang naturang hakbang ay magpapatagal lang sa kapangyarihan at pribilehiyo ng mga opisyal na hindi deserve na naboto sa pwesto at hindi naman pagbibigay ng pagkakataon sa mga deserving na maihalal sa public office.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.