Drug case laban kay De Lima nananatiling malakas ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 13, 2018 - 03:51 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na walang epekto sa drug trafficking case ni Senador Leila De Lima ang pagkakabasura ng National Prosecution Service (NPS) sa kasong drug trafficking laban kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at sa mga suspected drug personalities na sina Peter Co at Peter Lim.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magkaiba kasi ang basehan ng kaso nina De Lima at Espinosa.

May iba aniyang testigo na magpapatunay na kaso ni De Lima.

Bukod dito, sinabi ni Roque na mismong ang Korte Suprema na rin ang nagsabi na mayroong probable cause ang kasong isinampa laban kay De Lima.

“Pero iyong kay Leila De Lima po, hindi lang RTC ang nagsabi na may probable cause, pati na po ang Hudikatura ay nagsabi na may probable cause”, ayon sa kalihim.

Umaasa naman si Roque na maging maayos na ang kalagayan ni De Lima matapos makitaan na may bukol sa atay.

TAGS: de lima, drugs, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim, Roque, de lima, drugs, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.