Mass vaccination sa Pilipinas gamit ang Dengvaxia ikinagulat ng isang dengue expert mula US

By Angellic Jordan March 13, 2018 - 12:53 PM

Inihayag ni Dr. Scott Halstead, isang dengue expert mula sa US, ang pagkagulat matapos ituloy ang mass dengue immunization program gamit ang Dengvaxia vaccine sa Pilipinas.

Sa pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Halstead na hindi niya ikinatuwa nang mapag-alamang itinuloy ang paglalabas ng naturang bakuna.

Sinubukan aniya niyang tulungan ang Sanofi makaraang mag-organisa ng annual meetings kasama ang Sanofi at iba pang manufacturers simula noong 2001 ukol dito.

Ngunit naglabas umano ang Sanofi ng public rebuttal at iginiit na hindi sapat ang ebidensya ng kaniyang pag-aaral sa naturang bakuna.

Dagdag pa ng eksperto, tinutukan niya ang Dengavaxia simula ng maging ideya pa lamang ito bago pa naging isang produkto.

Mayroon naman aniyang ibang maayos na bakuna para sa Dengue ngunit wala pa aniya nito sa Pilipinas.

Samantala, sinabi rin ni Halstead na walang sinuman sa Sanofi ang ginustong mayroong mapahamak sa naturang bakuna. / Angellic Jordan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, Dr. Scott Halstead, senate hearing, Dengvaxia, Dr. Scott Halstead, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.