Mga colorum na van sa Maynila, pinaghuhuli ng i-ACT

By Ricky Brozas March 13, 2018 - 11:58 AM

Radyo Inquirer File Photo

Hindi nakalusot sa mga operatiba ng Inter Agency Council on Traffic o i-ACT ang ilang kolorum na van na ginagamit na pampasahero sa Paco, Maynila, Martes ng umaga.

Ayon sa mga tauhan ng i-ACT, nagkataon lamang na sila ay dumadaan sa kahabaan ng San Marcelino nang mapuna ang sunud-sunod na van na ang mga salamin ay pawang tinted at may mga antenna.

Agad nilang binuntutan ang mga nasabing van at pagdating sa harap ng headquarters ng Manila Police District (MPD) sa United Nations Avenue ay saka nila pinara ang mga sasakyan.

Sa pagtatanong ng mga tauhan ng i-ACT, inamin naman ng mga driver ng van na sila ay colorum na may rutang Tayuman, Sta. Cruz, Maynila patungong Buendia.

Dahil pawang colorum, tinikitan ng i-ACT at dito nadiskubre ang isa sa mga tsuper na retiradong pulis.

Ang mga hinarang na sasakyan ay dinala sa impounding area ng i-ACT sa Lungsod ng Marikina.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Colorum vehicles, i-act, Manila Police District, Radyo Inquirer, Colorum vehicles, i-act, Manila Police District, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.