Sen. Grace Poe dismayado sa nabasurang kaso laban kay Kerwin Espinosa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 13, 2018 - 10:31 AM

Dismayado si Senator Grace Poe sa pagbasura ng panel of prosecutor ng Department of Justice (DOJ) sa mga kaso laban kay Kerwin Espinosa at iba pa.

Ayon sa senador, mismong si Kerwin ang umamin sa pagdinig sa senado na siya ay sangkot sa illegal drug trade kaya nakapagtatakang ang isang self-confessed drug lord gaya niya ay pinawalang sala.

Ayon kay Poe, kung ang dahilan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan ay ang pagiging self-serving at hindi nagtutugmang pahayag ng testigo sa kaso, dapat ay ginamit aniya ng prosekusyon ang lahat ng paraan upang makakuha ng dagdag na testigo at mas marami pang ebidensya.

Hindi aniya dapat nagkasya na lang ang prosekusyon sa pahayag ng testigo.

Dagdag pa ni Poe, kung ang pasyang ito ng prosecution panel ay pagtitibayin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay maituturing itong insult sa pulisya.

 

 

 

 

TAGS: department of justice, kerwin espinosa, prosecution panel, Senator Grace Poe, department of justice, kerwin espinosa, prosecution panel, Senator Grace Poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.