PNP naghain na ng mosyon sa DOJ sa pagbasura sa drug case ni Kerwin Espinosa
Naghain na ng motion for reconsideration ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagbasura ng drug case laban kay Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, gagawin ng PNP ang lahat ng legal remedies upang mapanagot ang mga tao na sangkot sa sindikato.
Batay sa reklamo ng CIDG, si Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co at ilan pang mga personalidad ay magkakasabwat sa pagpapatakbo ng pinakamalaking drug operation sa Visayas.
Si Kerwin Espinosa, na anak ng napaslang na Albuera mayor Rolando Espinosa, ay isang self-confessed drug dealer.
Si Peter Lim naman ang umano’y Cebu-based drug king-pin na tinukoy ng Pangulo bilang pinaka-malaking drug lord sa bansa.
Habang Si Peter Co, ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison at umano’y kasama sa mga nagpapatakbo ng drug trade mula sa loob ng New Bilibid Prison.
Kahapon, lumabas ang resolusyon ng DOJ na nagbabasura sa reklamong isinampa ng CIDG laban sa mga ito dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.