Naiakyat na sa plenaryo ng kamara ang panuklaang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage Bill.
Sa kanilang sponsorship speech hiniling nina Albay Rep. Edcel Lagman at Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus na pagtibayin na ang kontrobersyal na panukala.
Paliwanag ni Lagman na hindi nangangahulugan na binabalewala ng nasabing panukala ang kasagraduhan ng kasal.
Tinawag namang makasaysayan ni De Jesus ang pangyayari dahil ngayon lamang aniya umabot sa plenaryo ang Divorce bill.
Sinabi naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na makasisira ng pamilyang Pilipino ang panukalang divorce.
Sina Lagman at De Jesus ay dalawa lang sa mga may-akda ng panukalang batas ara sa divorce.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.