Lalaking naghatid lang sa nililigawan, pinagbabaril sa Caloocan

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 03:45 AM

 

Naghatid lamang ng nililigawan ang isang lalaki ngunit humantong ito sa kanyang kamatayan sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang biktimang si Isagani Opiasa, 34 na taong gulang.

Ayon sa mga operatiba ng Caloocan City Police, 5 tama ng bala sa ulo ni Opiasa ang tumapos sa kanyang buhay.

Batay sa kanilang imbestigasyon, gamit ang kanyang motorsiklo ay inihatid lamang ng biktima ang kanyang nililigawan sa Bagong Silang, Caloocan. Nang palabas na ito sa compound na tinitirhan ng babae ay dumaan si Opiasa sa isang eskinita kung saan ito inabangan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilang mga salarin na sakay rin ng motorsiklo.

Ayon kay Police Senior Inspector Dennis Odtuhan, isa sa kanilang tinitingnang anggulo sa pamamaslang ang love triangle. Aniya, may asawa’t apat na anak na kasi ang babaeng nililigawan ni Opiasa.

Narekober mula sa crime scene ang 6 na basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.