5 arestado sa buy bust operation sa Makati

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 03:23 AM

 

Apat na kalalakihan at isang babae ang naaresto ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos nilang magkasa ng drug buy bust operation sa Barangay Tejeros sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Makati Police SDEU chief, Police Chief Inspector Glenn Gonzales, pangunahing target ng operasyon si Jona Sobria. Ngunit pagdating sa bahay ay naabutan ang iba pang mga pusher na kinilalang sina Michael Bragasin, Angeles Oyco, Michael Perez, at Justin Sobria.

Aniya pa, sa kanilang pagsalakay ay mayroong nagpaputok ng baril ngunit hindi pa tukoy kung sino ito.

Narekober mula sa mga suspek ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril na may lamang mga bala at 11 sachet o 30 gramo ng shabu na mayroong street value na P300,000.

Depensa ni Jona Sobria, hindi siya tulak ng droga at naroon lamang sa bahay upang magdeliver ng pagkain.

Samantala, ang apat na kalalakihan ay itinaggi ring sila ay mga pusher ngunit umamin naman sa paggamit ng ipinagpbabawal na gamot.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.