Empleyado ng mga korte sa Eastern Visayas hindi makikiisa sa pagpapa-resign kay CJ Sereno

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 02:18 AM

 

Kuha ni MArk Makalalad/File

Hindi kabilang ang mga court employees sa Eastern Visayas sa mga gustong magbitiw na sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa pangulo ng Philippines Association of Court Employees sa Eastern Visayas na si Archie Sumalindao, walang pressure mula sa kanilang national officials patungkol sa nasabing isyu.

Kaya naman sa local level ay maghihintay na lamang sila kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Tumanggi rin si Sumalindao na ilabas ang kanilang posisyon tungkol sa nakasampang impeachment complaint laban kay Sereno.

Ngunit aniya, inaasahan niyang mapag-uusapan nila sa kanilang national convention sa Abril ang impeachment complaint ng punong mahistrado, maging ang nakahaing quo warranto petition laban dito.

Matatandaang nakasuot ng pula ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema Lunes nang umaga sa kanilang flag ceremony bilang suporta sa mga mahistradong humihiling na magresign na si Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.