Rollback sa produktong petrolyo, epektibo na

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 02:04 AM

 

Epektibo ngayong araw ang ipapatupad na oil price rollback ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng mga oil companies tulad ng Pilipinas Shell, Petron, PTT, Flying V, Phoenix Petroleum, UniOil, Jetti, at Total ay mababawasan ng P0.55 ang halaga ng diesel. P0.35 naman ang tapyas sa presyo ng gasolina, at P1.20 para sa kerosene o gaas.

Ipapatupad ng mga naturang kumpanya ng langis ang bawas-singil sa mga produktong petrolyo simula alas-6 ng umaga.

Samantalang kaninang alas-12 ng hatinggabi nagsimulang ipatupad ng Eastern Petroleum at SeaOil ang kanilang bawas-presyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), bunsod ng patuloy na malikot na galaw ng halaga ng mga produktong petrolyo sa world market ang pagbaba ng halaga ng langis sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.