Mas mabigat na parusa sa mga nagtatangkang pagtakpan ang mga kaso ng hazing, niratipikahan na sa Bicam

By Len Montaño March 13, 2018 - 12:01 AM

 

Niratipikahan na ng Senado ang report ng Bicameral conference committee sa panukalang batas na layon ang mas mabigat na parusa sa gumawa ng hazing at sa mga nagtangkang pagtakpan ito.

Pinag-isa ng Joint Congressional committee ang magkaka-ibang probisyon ng bills na isinumite ng Senado at Kamara noong nakaraang buwan.

Una nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na sa panukalang batas ay mas mabigat ang penalty sa gumawa ng hazing at sa mga sangkot sa cover-up.

Ang mga opisyal at miyembro aniya ng fraternity na hindi sumali sa aktuwal na hazing pero present nang ito ay mangyari ay papatawan ng parehong parusa sa mga taong aktuwal an gumawa ng hazing.

Ang panukalang batas aniya ay iniaalay ng mga mambabatas kay Horacio Castillo III na namatay sa hazing ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Matapos ang ratipikasyon, dadalhin ang bill sa Office of the President para kaukulang aksyon.
Pwedeng pirmahan ng pangulo ang bill para maging ganap na batas o kaya ay i-veto niya ito.
Sakaling hindi ito aksyunan ng pangulo ay awtomatikong magiging batas ang panukala makalipas ang labinlimang araw.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.