Barangay officials na walang ginawa kontra droga kakasuhan ng PNP

By Mark Makalalad March 12, 2018 - 03:32 PM

Inquirer file photo

Binanatan ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang mga Barangay officials na hindi nakikiisa sa Barangay Anti-Drug Abuse Councils o BADAC.

Ayon kay Dela Rosa, malinaw na pagpapabaya sa trabaho ang kawalan ang BADAC.

Bukod kasi sa kasama ito sa budget ng mga Baranggay ay nakasaad din sa ilalim ng batas na dapat aktibo ang BADAC na gumawa ng mga programa para labanan ang droga.

Para kay Bato, dalawa lang ang implikasyon ng mga Baranggay na walang BADAC.

Maari anya umanong takot ang mga opisyal na labanan ang mga sindikato o di kaya naman ay sila mismo ang tagasuporta mga sindikato ng droga sa kanilang lugar.

Babala niya sa mga Barangay Chairmen at maging sa mga kagawad, bilang na ang mga araw nila.

Magsasagawa na kasi sila ng case build up at oras na makumpirma na wala silang BADAC master plan ay mahaharap sila sa kaso.

Nabatid na sa 42,000 na Barangay sa bansa, nasa 30 porsiyento ang walang BADAC.

Malinaw na paglabag ito dahil ang pagtatatag ng BADAC ay matagal nang ay iniaatas ng DILG sa pamamagitan ng MC No. 2015-063 at muling ipinaalala ng Drugs Board (DDB) Regulation No. 3 Series of 2017, o “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program” para sa paglilinis sa mga barangay laban sa illegal na droga.

Kasama rin sa trabaho nito ay ang makikipagtulungan sa mga drug operations ng mga otoridad kabilang na ang pagsumite ng drugs watchlist.

Una na ring sinabi ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na ang kawalan hanggang ngayon ng BADAC sa isang Barangay ay palatandaan na sangkot ang mga Barangay officials sa kalakalan ng droga o possible ring pugad ng mga durugista ang kanilang lugar.

TAGS: badac, dela rosa, Illegal Drugs, PNP, badac, dela rosa, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.