Panawagang magbitiw sa pwesto si CJ Sereno, sinabayan ng silent protest ng kaniyang mga tagasuporta

By Ricky Brozas March 12, 2018 - 10:19 AM

Inquirer Photo | Marlon Ramos

Habang nagsasagawa ng flag raising sa Korte Suprema at nananawagan ang mga empleyado ng pagbaba sa pwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagsagawa naman ng silent protest sa labas ng SC ang kaniyang mga tagasuporta.

Sa kahabaan ng Padre Faura Street maagang nagtipon-tipon ang mga sumusuporta sa punong mahistrado.

Panawagan nila, panatilihin ng hudikatura ang pagpapairal sa rule of law at huwag magpapadala sa bugso ng damdamin.

Una nang unang inakusahan ng kampo ni Sereno ang ilang Supreme Court justices at ang pinuno ng Philippine Judges Association na si Judge Felix Reyes na siyang pasimuno umano sa pagpapaikot ng manifesto para patalsikin ang punong mahistrado sa puwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Supreme Court, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.