WATCH: Mga empleyado ng Korte Suprema ipinanawagan ang pagbitiw sa pwesto n CJ Sereno
Sa kasagsagan flag raising ceremony sa Korte Suprema nanawagan ang mga empleyado ng Mataas na Hukuman para sa pagbibitiw sa pwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Muling namayani ang kulay pula sa SC dahil ang mga empleyado ay nakasuot ng kulay pula na T-shirt nang sila ay dumalo sa seremonya.
Dumalo din sa flag-raising ang siyam na mahistrado kabilang sila Associate Justices Noel Tijam, Samuel Martires, Francis Jardeleza, Mariano Del Castillo, Lucas Bersamin, Diosado Peralta, Teresita De Castro, Presbitero Velasco, at Antonio Carpio.
Sa pahayag na binasa sa flag raising, sinabi ng mga empleyado na simula pa noong Sept. 12, 2017 wala nang suporta ang mga empleyado sa punong mahistrado.
Para na rin anila sa kapakanan ng sambayanan ay makabubuting bumaba na sa pwesto si Sereno.
Dagdag pa nila, nalagay sa alanganin ang institusyon at ang puno’t dulo ay ang mga ginawa ng punong mahistrado.
Inilahad din ng mga empleyado na sa simula pa lang ay marami na silang hinaing na hindi naa-address ni Sereno gaya ng promosyon at benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.