LOOK: Ilang lugar sa Cavite at QC mawawalan ng kuryente ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 12, 2018 - 06:30 AM

Maaapektuhan ng power interruption ang ilang mga lugar sa Imus City, General Trias City at Bacoor sa lalawigan ng Cavite at maging ang ilang lugar sa Quezon City.

Sa abiso ng Meralco, may mga aktibidad sila sa nasabing mga lugar na magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar.

Narito ang mga maaapektuhan ng power interruption:

Sa Imus City mula 9:30 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon, apektado ang:

  • Bahagi ng Golden Villas Subd. sa Brgy. Carsadang Bago II

 

Sa General Trias City mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon, apektado ang:

  • Bahagi ng Sunny Brooke Phase 1 Subd. sa Brgy. San Francisco

 

Sa Bacoor, Cavite mula a;as 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon, apektado ang:

  • Buong Camella Homes sa Brgy. Mabolo III

Ayon sa Meralco, line reconstruction ang isasagawa nila sa nabanggit na mga lugar.

 

Samantala, sa Quezon City, mual alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon apektado ng power interruption ang:

  • Bahagi ng 10th Street mula Balete Drive hanggang Doña Hemady Street sa Brgy. Mariana

Pagpapalit naman ng poste at line reconductoring ang dahilan ng power interruption.

Tiniyak naman ng Meralco na tatapusin sa itinakdang oras ang mga aktibidad upang maibalik agad ang suplay ng kuryente.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, Meralco, power interruption, quezon city, Radyo Inquirer, cavite, Meralco, power interruption, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.