DILG, paghahandaan na ang nalalapit na Barangay at SK elections

By Kabie Aenlle March 12, 2018 - 01:00 AM

 

Sisimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbawi sa mga police bodyguards ng mga opisyal ng barangay.

Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, nakikipag-ugnayan na sila sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng mga paghahanda para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.

Bahagi ng preparasyong ito ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban at pagbabawal sa paggamit sa mga pulis bilang body guards.

Sa ngayon ay bubuuin pa lang ng Philippine National Police (PNP) ang recall letters upang maisapormal na ang pagbawi sa mga police escorts ng mga barangay officials.

Tatakbo ang election period para sa taong ito mula April 14 hanggang May 21.

Sa kasagsagan ng panahong ito mahigpit na ipatutupad ang gun ban.

Samantala, maliban dito ay ipagbabawal na rin mula May 4 ang pagbibigay ng mga cash donations o regalo hanggang sa mismong araw ng halalan.

Gayundin ang pagpapagawa ng mga kalsada o kaya ang pagtatalaga ng mga bagong empleyado. pagbuo ng mga bagong posisyon, pagbibigay ng dagdag sahod o pribilehiyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.