Judiciary groups, mananawagan na rin ng pagbibitiw ni CJ Sereno

By Jay Dones March 12, 2018 - 12:31 AM

 

Mananawagan na rin ang Philippine Judges Association at ilan samahan sa hudikatura na magbitiw na sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kasama ng PJA sa panawagan ang mga miyembro ng Supreme Court Aseembly of Lawyer Employees o SCALE, Philippine Association of Court Employees o PACE, Supreme Court Employees Association (SCEA) at Sandiganbayan Employees Association (SBEA).

Isang joint statement ang inaasahang ilalabas ng mga grupo sa gaganaping flag ceremony ngayong araw sa Korte Suprema upang igiit ang pagbibitiw ng Punong Mahistrado.

Dahilan umano ng grupo sa kanilang panawagan ang paghiling sa Punong Mahistrado na sagipin sa kontrobersiya ang Korte Suprema upang hindi maapektuhan ang integridad ng mga huwes, hukom at mga empleyado.

Dapat na anilang magsakripisyo ang Chief Justice upang hindi na masadlak sa isa na namang alanganing sitwasyon ang institusyon.

Hindi na anila kakayanin pa ng Korte na dumaan muli sa isa na namang impeachment hearing na labis na nakasisira sa imahe ng hudikatura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.