Con-Com en banc pagbobotohan na ang mga probisyon laban sa mga political dynasties ngayong linggo

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 11:09 PM

 

Nakatakdang magbotohan bukas, araw ng Lunes, ang Consultative Committee (Con-Com) en banc tungkol sa tatlong key provisions sa pagpigil ng pamamayagpag ng mga political dynasties sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi na pagbobotohan ng en banc ang tatlong self-executing constitutional provisions.

Kabilang sa mga probisyong pag-uusapan ang pagbabawal ng hanggang sa second-degree relatives na tumakbo sa gobyerno.

Pag-uusapan rin kung gaano kalawak ang pagpapatupad ng nasabing mga probisyon. Ayon sa en banc, posible kasi itong ipatupad sa national, regional, local, o barangay level.

Huling pag-uusapan kung maaari bang sunod na takbuhan ng hanggang sa second degree relative ang nabakanteng posisyon ng kanilang kamag-anak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.