Victory Liner maglulunsad P2P buses ngayong linggo

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 09:13 PM

 

Inanunsyo ng bus operator na Victory Liner Inc. na maglulunsad sila ng point-to-point (P2P) bus services ngayong linggo para sa rutang Clark International Airport papuntang Subic Bay sa Olongapo at Dagupan sa Pangasinan.

Ayon kay operations manager Ronald Sarmiento, layunin ng kumpanya na maserbisyuhan ang mga overseas Filipino workers (OFW) na mayroong mga pamilyang nakatira sa Pampanga, Bataan, Zambales, at Pangasinan.

Ani Sarmiento, imbes na lumapag sa mga paliparan na nakabase sa Maynila at sasakay pa ng bus patungong norte, ay mas maigi pang sa Clark na lamang manggaling ang mga OFW at mga turista.

Mula Clark ay babagtasin ng P2P buses ng Victory Liner ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) upang mapaikli ang oras ng byahe.

Magsisimula ang kanilang mga byahe ala-1 ng madaling araw hanggang alas-8 ng gabi.

Maaaring makasakay at makababa ang mga pasahero sa Clark Airport, SM Clark, at mga terminal ng Victory Liner sa San Fernando, Dinalupihan, at Harbor Point. Habang ang mga papunta naman ng Bataan at Zambales ay maaari namang sumakay sa Subic at San Fernando.

Samantalang ang mga P2P bus na papuntang Dagupan naman ay magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa Clark Airport, SM Clark, SM Carmen, SM Urdaneta, at mga terminal ng Victory Liner.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.