Batas para manatili sa puwesto si President Xi, ipinasa ng Chinese parliament

By Jay Dones March 11, 2018 - 08:03 PM

 

AFP photo

Opisyal nang inaprubahan ng National People’s Congress ng China ang batas na nagbabasura sa term limit ng nakaupong presidente ng kanilang bansa.

Sa pamamagitan ng naturang amyenda sa termino, nagbibigay-daan na ito sa pananatili ni President Xi Jinping sa puwesto.

Ang amyenda ay nagbabalewala sa sistemang unang ipinatupad noon ni dating Chinese President Deng Xiaoping noong 1982.

Ipinairal ang two-term limit ng dating lider upang maiwasan ang muling panunumbalik ng madugong diktaturya noon ni Mao Zedong noong 1966-1976 Cultural Revolution.

Ang pagbbalik ng one-man rule sa ilalim ni President Xi ay nagbibigay ng pangamba sa ilang grupo na nagbabantay kontra sa pagbabalik ng Beijing sa sistema ng autocratic leadership.

Hinala ng nakararami, ito na ang kulminasyon ng pagsusumikap ng 64-anyos na si Xi na masarili ang kapangyarihan at mabalewala ang sistema ng collective leadership na naitaguyod na sa nakalipas na dalawang dekada.

Sa kasalukuyan, si Xi na ang pinuno ng national security, finance, economic reform at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.