Turkish rebels namataan sa bayan ng Afrin, Syria
Umabot na ang ilang mga rebeldeng Turkish nationals malapit sa bayan ng Afrin sa Syria.
Ito ang sinabi ng war monitoring group ng Syrian Observatory for Human Rights.
Ayon sa report ng observatory, patuloy na tinutungo ng mga rebelde kasama ang ilang mga rebeldeng Syrians ang direksyon ng Afrin.
January 2018 nang maglunsad ng pag-atake ang pamahalaan ng Turkey sa Afrin upang mapalayas ang Syrian Kurdish YPG militia at sa mga panahong ito nabawi ng nasabing bansa ang kontrol sa lugar. Ngunit sa ngayon ay tila bumabalik ang mga rebelde.
Kaya naman sinabi ni Turkish President Tayyip Erdogan na lulusubin ng kanilang pwersa ang Afrin upang sawatahin ang mga rebelde. Nangako ito na muli nilang itataboy ang mga Kurdish fighters sa kahabaan ng border ng Syria at Turkey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.