Apat patay kabilang ang suspek sa hostage taking sa Veterans home sa California
Nasawi ang tatlo katao kabilang ang attacker sa naganap na hostake taking incident sa veterans home sa Yountville California.
Higit-kumulang walong oras ang itinagal ng hostage taking sa pinakamalaking veterans home na ito sa United States.
Kinilala ang dalawa sa mga nasawi na psychologists at gumagamot ng mga beterano sa naturang health facility habang ang ikatlong biktima naman ay ang executive director ng The Pathway Home program.
Ang “Pathway Home Program” ay isang programa na inilaan para sa mga beterano ng digmaan sa Iraq at Afghanistan na nakararanas ng post-traumatic stress disorder.
Natagpuan ang bangkay ng tatlong biktima katabi ng gunman.
Samantala, ang umatake naman ay nakilalang isang dating sundalo ng US Army na si Albert Wong, 36 anyos.
Isa si Wong sa mga sundalo na ipinadala sa Afghanistan at nagawaran pa ng apat na medalya.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring hostage taking incident.
Nagpahayag na ng pakikiramay si California Gov. Gerry Brown at asawa nitong si Anne sa pamilya at kaibigan ng mga nasawi.
Inatasan ng gobernador na ilagay sa half-mass ang bandila sa kapitolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.