Mga bagong batas para sa proteksyon ng mga OFW, ipapatupad sa Qatar
Magpapatupad ng mga bagong batas para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Qatar.
Ayon kay Qatar Labor Minister Issa Saad Al-Jafali Al-Nuaimi, layon nitong matiyak ang proteksyon ng mga manggagawa sa naturang bansa.
Sa pagdating ng labor delegation ng Pilipinas sa Qatar, sinabi ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad na nagpapatupad na ng dispute settlement system sa Qatar.
Paliwanag ni Labor Attaché David Des Dicang, ito ang magsisilbing komite na magsasaayos ng labor disputes sa loob ng 21 araw.
Magiging katuwang aniya ng naturang komite ang Ministrry of Justice at Ministry of Labor ng bansa.
Samantala, pinangunahan ni Lagunzad ang delegasyon ng Pilipinas para alamin ang kondisyon ng mahigit 250,000 na manggagawang Pilipino sa bansa.
Nagpasalamat rin aniya si Al Nuaimi sa mga OFW dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.