2 miyembro ng West African Drug Syndicate, arestado ng PDEA
Arestado ang 2 miyembro ng West African Drug Syndicate sa ikinasang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.
Nakilala ang mga suspek na sina Agu Austin Chukwuebuka at Nkwocha Chimaobi, parehong Nigerian nationals.
Ayon sa PDEA, alas-2:00 ng hapon kahapon nasukol ang 2 ng mga operatiba ng Special Enforcement Service ng ahensya.
Nagbebenta raw ang mga suspek ng 11 na pakete ng shabu na naglalaman ng 500 gramo isang popular na fast-food chain sa Talaba 4, Bacoor.
Pero nang mahuli na, napag-alaman na peke pala ang siyam sa kanilang mga binebenta at dalawang pakete lang ng shabu ang totoo na nasa 98.3 gramo.
Batay sa intelligence ng PDEA, nagmula ang dalawang miymebro ng ADS sa Norte at tumatawid sa Calabarzon at Bicol Region para magbenta ng shabu.
Anila, Itinatago nila ang droga sa charger adaptor ng cellphone kaya hindi agad napapansin.
Aabot sa mahigit P500,000 ang street value ng nakuha na mga droga.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
WATCH: 2 miyembro ng West African Drug Syndicate, arestado ng PDEA sa Cavite | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/Ac4vpQTgYL
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 10, 2018
Narito ang ulat ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.