Nawawalang Pinoy sa nasunog na barko sa Arabian Sea, estudyante pa lang sa isang Unibersidad sa Iloilo
Naglabas ng pahayag ng John B. Lacson Foundation Maritime University (JBLFMU) kaugnay sa tatlong engine cadets nila na sakay ng nasunog na cargo vessel sa Arabian Sea noong Martes.
Sa statement ng chief executive officer ng Unibersidad na si Dr. Ronald Raymond Lacson Sebastian, sakay ng barkong “Maersk Honam” ang tatlo nilang engine cadets na mula sa JBLFMU-MOLO.
Ayon sa pahayag ng paaralan ang tatlo ay sina E/C John Rey Begaso, E/C Janrey Genovatin at E/C Carl Vincent Chan.
Ang tatlo ay sumasailalim umano sa cadetship program ng Maersk Line.
Sa pakikipag-ugnayan ng unibersidad sa Maersk Line, tanging si Chan ang nakaligtas sa insidente habang nawawala pa rin sina Begaso at Genovatin.
Tiniyak naman ng paaralan na nakikipag-ugnayan at tinutulungan nila ang pamilya ng mga Pinoy para makakuha ng update mula sa Maersk Line.
Sakay ng Singaporean-flagged na “Maersk Honam” ang 27 crew mula sa India, Pilipinas, Thailand, Romania, South Africa at United Kingdom.
Ang barko ay patungo sana sa Suez Canal galing sa Singapore nang maganap ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.