LGUs binilinang paghandaan ang pagdami ng basura sa mga tourist spot ngayong summer season

By Cyrille Cupino March 09, 2018 - 05:42 PM

Nanawagan na ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa mga local government officials na planuhin ang tamang pangangasiwa sa basura na inaasahang dadami ngayong summer season.

Tinukoy ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mga sikat na tourism sites sa bansa na inaasahan nang magkaroon ng tambak na basura dahil sa pagdagsa ng mga magbabakasyon ngayong summer.

Panawagan pa ni Cimatu sa mga turista, lokal man o dayuhan, na maging responsable sa kanilang mga basura at iwasan ang pagkakalat, lalo pa sa mga dalampasigan at iba pang katubigan.

Hindi na raw tamang mangyari rin sa ibang pang tourist spots ang nangyari sa Boracay Island na nasira dahil sa matinding polusyon.

Dahil dito, hindi pa man nagsisimula ang summer season, nakikiusap na si Cimatu ang mga local officials na mahigpit na bantayan ang waste disposal sa kanilang nasasakupan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of environment, Radyo Inquirer, Summer Season, tourist destination, department of environment, Radyo Inquirer, Summer Season, tourist destination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.