Bahagi ng Roxas Blvd., isasara sa Linggo para sa fun run ng PNP
Sarado sa mga motorista ang bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard sa Linggo, March 11, 2018 para sa isasagawang fun run ng Philippine National Police.
Ayon kay Police Community Relations Group chief Senior Superintendent Rhodel Sermonia, mula alas 3:00 ng madaling araw, isasara na ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang sa P. Ocampo.
Ang nasabing fun run na may temang “Takbo Kontra Drugs” ay pangungunahan ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inaasahang aabot sa 15,000 hanggang 20,000 ang lalahok sa fun run.
Alas 2:30 ng madaling araw ang assembly time para sa mga lalahok sa bahagi ng Quirino Grandstand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.