Dating PNP Chief Alan Purisima humirit sa korte na payagan siyang makabiyahe sa Amerika
Hiniling ngayon ni dating PNP Chief Alan Purisima sa Sandiganbayan na payagang makabiyahe patungong Amerika.
Base sa inihaing motion to travel ni Purisima sa 2nd Division ng Sandiganbayan, hiniling nito na makabiyahe mula April 23 hanggang May 9 ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Purisima na nakatakda siyang magtungo sa Mississippi, United States upang dumalo sa 2018 National Book of the Play at Annual Meeting of the Royal Order of Jesters bilang siya ang nahalal ng Manila Court 198 bilang kinatawan ng bansa sa nasabing pagpupulong.
Dadaan anya siya sa San Francisco, California kung saan plano niyang bisitahin ang kanyang pamilya na naroroon.
Iginiit ng sinibak na PNP chief na alam niya ang mga legal consequences sakaling payagan siya at lumabag sa mga kundisyon ng korte kaya nangako ito na hindi niya tatakasan ang kanyang mga kaso
Si Purisima ay nahaharap sa kasong perjury may kaugnayan sa hindi pagdedeklara ng tamang halaga ng ari arian sa kanyang SALN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.