Halos 95,000 na pasahero naserbisyuhan na ng P2P buses sa MRT-3

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 11:21 AM

Umabot na sa halos 95,000 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng P2P buses na itinatalaga sa MRT para magsakay ng mga pasahero.

Sa update mula sa Department of Transportation (DOTr), mula noong simulan ang pagde-deploy ng P2P buses ay 94,684 na mga pasahero na ang naserbisyuhan nito.

Sa ngayon nasa 1,256 na P2P buses na ang nai-deploy sa North at Quezon Avenue stations.
Habang umabot na sa 1,677 na biyahe ang naisagawa.

Ang P2P buses ay nagsasakay ng mga pasahero ng MRT-3 na ayaw nang pumila ng matagal para makasakay ng tren.

Mabilis ang biyahe ng mga bus dahil sa Ortigas at Ayala lamang ito nagbababa at sa yellow lane dumadaaan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bus, P2P buses, Radyo Inquirer, railway, bus, P2P buses, Radyo Inquirer, railway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.