6 na BIFF members patay sa bakbakan sa Maguindanao

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 09, 2018 - 06:55 AM

Umabot na sa anim ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at mga otoridad sa Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao.

Ang nasabing bakbakan ay nagsimula Huwebes pa ng umaga.

Ang anim na nasawi ay pawang miyembro ng BIFF.

Naka-engkwentro ng mga tauhan ng 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army ang nasa 50 miyembro ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ng isang “Kumander Peni”.

Dahil tumagal ang bakbakan kahapon nagpadala ng dalawang helicopters ang Philippine Air Force para tumulong sa mga nakikipaglabang sundalo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, Datu Saudi Ampatuan, maguindanao, Philippine Army, bangsamoro islamic freedom fighters, Datu Saudi Ampatuan, maguindanao, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.