NAMFREL, wala pang nakikitang senyales ng dayaan sa 2016 elections

By Rhommel Balasbas March 09, 2018 - 03:44 AM

Wala pang nakikitang anumang senyales ng dayaan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa naganap na May 2016 presidential elections.

Ayon sa NAMFREL, kasalukuyan din silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa lumulutang na mga iregularidad sa nagdaang halalan kahit na hindi pa isinisiwalat ni Sen. Tito Sotto ang tungkol sa naturang isyu.

Ayon kay NAMFREL Chairman Gus Lagman, wala pang indikasyon ng kahit anong dayaan.

Iginiit ng opisyal na mayroong mga miyembro ang NAMFREL na bahagi ng technical group na nakapaloob din sa mas malaki pang technical group na tumatalakay sa isyu.

Samantala, nauna na ring sinabi ni NAMFREL secretary general Eric Avila na ang imbestigasyong gagawin ng Commission on Elections ay dapat pangunahan ng mga awtoridad na may tunay na kakayahan at gawin ito sa proper forum.

Anya, sa pamamagitan ng ‘Joint Congressional Oversight Committee on the Autmated Election System’ ay maaaring matuldukan ang isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.