Pakikinabang sa umano’y dayaan sa 2016 elections, itinanggi ni Roxas

By Marilyn Montaño March 09, 2018 - 02:19 AM

Itinanggi ni dating Interior Sec. Mar Roxas, ang presidential candidate ng Liberal Party sa 2016 presidential elections, na sangkot siya sa anumang dayaan sa halalan.

Pahayag ito ni Roxas matapos sabihin ni Sen. Nancy Binay na pwede o parang nakinabang ito sa iregularidad sa 2016 elections kung kailan ilang kandidato sa pagka-pangulo ang umano’y nagtala ng zero votes sa ilang voting precincts.

Pero giit ni Roxas, hindi siya nandaya at hindi siya mandaraya.

Alam umano ng dating senador kung gaano kasakit ang madaya dahil mga dalawang milyong boto ang nawala sa kanya noong 2010 elections.

Matatandaan na naghain si Roxas ng electoral protest laban kay Vice President Jejomar Binay dahil nagkaroon umano ng mataas na insidente ng null at misread votes sa mga certificates of canvass sa lahat ng botohan sa bansa.

Pero noong 2016 ay ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal ang poll protest ni Roxas dahil maituturing na itong moot nang umupo na si Vice President Leni Robredo bago magkaroon ng resolusyon.

Dagdag ni Roxas, hindi niya gagawin sa iba ang bagay na ayaw niyang gawin sa kanya kaya hindi responsableng magbitaw ng akusasyon na tila nakinabang siya sa umano’y dayaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.