Rep. Umali kumpyansa sa lakas ng impeachment case vs. CJ Sereno

By Erwin Aguilon March 09, 2018 - 01:26 AM

Inquirer file photo

Tiwala si House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na malakas ang impeachment case na kanilang iaakyat sa Senado laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, natuto na sila sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona kung saan nahirapan sila sa paghahanap ng ebidensya.

Pero sa pagkakataong ito sinabi ni Umali na hindi na sila mahihirapan ngayon dahil hawak na nila ang mga ebidensya.

Kabilang anya sa malakas na alegasyon kay Sereno ay ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth, paglabag sa collegiality ng Supreme Court at clustering ng JBC shortlist.

Paliwanag nito, pagsa-samahin na lamang sa isang article ang mga alegasyong akma sa isang ground.

Premature naman para kay Umali ang mga komento na walang nagawang impeachable offense si Sereno base sa mga lumabas na impormasyon sa impeachment hearing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.