Suspected terrorist na si Fehmi Lassoued hindi pa lusot sa mga kaso ayon sa PNP
Hindi pa maituturing na pinal ang desisyon ng Department of Justice sa pagbasura sa reklamong isinampa laban sa Egyptian na si Fehmi Lassoued.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, posible pang mabaligtad ang desisyon ng DOJ kung magsasampa ng petition for review ang mga police investigators.
Paliwanag ng opisyal, malungkot na balita para sa PNP ang nangyari pero iginagalang naman nila ito dahil sumusunod sila sa tamang proseso.
Matatandaang kahapon sa pitong pahinang resolusyon ng DOJ prosecution panel na pirmado ni Senior Asst. State Prosecutor Peter Ong ay ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na batayan o probable cause.
Pinag-aaralan ng legal team ng PNP ang dahilan ng DOJ kung bakit ibinasura ang reklamo laban sa dayuhang si Fehmi Lassoued.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.