Rappler tinawag na harassment ang isinampa sa kanilang kaso ng BIR

By Rohanisa Abbas March 08, 2018 - 04:23 PM

Inquirer file photo

Pangha-harass umano ang ginagawa ng gobyerno sa paghahain ng Bureau of Internal Revenue ng kasong tax evasion laban sa Rappler.

Sinabi ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na malinaw na nasa likod ng kanilang panibagong kaso ang gobyerno.

Ipinahayag ni Ressa na sinasayang ng gobyerno ang lakas at resources nito sa pagtatangkang patahimikin ang mga ulat na hindi pabor sa administrasyon.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ni Ressa na walang saysay ang reklamo at hinimok ang BIR na silipin ang sariling datos nito.

Iginiit ng Rappler na masikap at nasa oras itong nagbabayad ng tamang buwis.

Dagdag nito, pinapurihan din ng BIR ang online news site bilang isa sa top 500 corporate taxpayers ng Revenue Region 7.

Sinabi rin ng Rappler na hindi na ito nasurpresa sa pinakahuling hakbang ng gobyerno, pero nabigla umano ito sa bilis ng BIR na maghain ng reklamo.

TAGS: BIR, rappler, tax evasion, BIR, rappler, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.