1 patay sa sagupaan ng militar at armadong grupo sa Zamboanga Del Norte
Patay ang isang hindi pa nakikilalang armed man matapos makasagupa ng kanilang grupo ang pwersa ng Joint Task Force ZAMPELAN sa Sitio Kabatuyan, Brgy. Panabutan, Sirawai, Zambaonga Del Norte.
Ayon sa Tabak Division ng Philippine Army, umaga kahapon habang nagsasagwa ng combat operation sa lugar ang 42nd Infantry Batallion at Zamboanga Police nang maka engkwentro ang hindi baba sa 10 lawless element sa pangunguna ni JuPhmilon Tukalan.
Tumagal ng 10-minuto ang bakbakan dahilan para mapaatras ang pwersa ng mga kalaban at tumakbo sa palalayong direksyon.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M1 Garande rifle, isang kalibre 45 na baril, isang M16 handguard at isang cellphone.
Nabatid na nitong March 4 lamang ay dinakip ng grupo ang nasa 5 illegal loggers sa Sitio Upper Lukungan, Brgy. Panabutan, Sirawai.
Nakilala ang mga ito na sina Jomar Mantanga, 25 anyos, Roger Jungan, 36 anyos, Raymond Purisima, 14 anyos, Jemar Maglangit, 36 anyos at Mario Rosales, 46 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Vicente.
Sinasabi ring responsable ang grupo sa panggugulo sa mga civilian community sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.