Baculin, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo March 08, 2018 - 07:14 AM
Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Baculin sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naganap ang pagyanig ala 1:15 ng madaling araw ng Huwebes at ang epicenter nito ay naitala sa sa 33 kilometers North ng Baculin.
Ayon sa PHIVOLCS, 40 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Samantala, kagabi naman ay tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa 362 kilometers South ng Sarangani alas 11:34 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.