Panahon ng tag-init hindi pa maidedeklara ng PAGASA
Bahagyang bumaba muli ang temperatura sa Metro Manila kahapon.
Sa datos ng PAGASA 32.6 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City ala 1:00 ng hapon.
Ang San Jose, Occidental Mindoro naman ang may pinakamataas na temperatura kahapon na nakapagtala ng 36.6 degrees Celsius.
Ayon kay PAGASA weather specialist Shelly Ignacio dahil sa muling pag-iral ng Northeast Monsoon sa Extreme Northern Luzon ay hindi pa maideklara ang panahon ng tag-init.
Ngayong araw, ang amihan ay magdudulot ng maulap na papawirin na mayroong mahinang pag-ulan sa Batanes at Cagayan kabilang na ang Bauyan Group of Islands.
Sa Ilocos Provinces naman bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin ang iiral na may mahinang pag-ulan dahil din sa northeast monsoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.