Speaker Alvarez hindi naniniwala na patatalsikin siya sa pwesto

By Erwin Aquilon March 07, 2018 - 05:05 PM

Radyo Inquirer

Tiwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na suportado pa rin siya ng mayorya sa Kamara.

Reaksyon ito ni Alvarez kasunod ng mga balitang kudeta sa kanya ng mga kapwa kongresista.

Sinabi ni Alvarez, na walang siyang alam na may ilang kongresista ang kumausap kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa speakership.

Naunang tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque na “wishful thinking” ang anumang tangkang palitan si Alvarez dahil nananatili anya ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa House Speaker.

Sabi pa ni Roque, wala silang nakikitang pwedeng ipalit kay Alvarez.

Umugong ang pagpapalit ng pinuno ng Kamara matapos ang away sa pagitan ni Alvarez at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

TAGS: Alvarez, Arroyo, kudeta, speakership, Alvarez, Arroyo, kudeta, speakership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.