War on drugs ng gobyerno hindi pag-atake sa sambayanan ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 07, 2018 - 04:48 PM

Inquirer file photo

Nanindigan ang Malacañang na hindi maituturing na crime against humanity ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa iligal na droga.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang kasi mga sibilyan ang target sa kampanya kontra sa ilegal na droga kundi maging ang mga tiwaling uniformed personnel kagaya ng mga pulis at sundalo.

Iisa aniya ang layunin ng programa ng pangulo at ito ay itigil ang paglaganap ng droga sa bansa.

“Wala pong pagbabago, ganoon pa rin po ang paninindigan ng Presidente – na dahil Philippine courts are able and willing, wala pong hurisdiksiyon ang International Criminal Court. At pangalawa po, pagdating sa merito, hindi po pupuwedeng maging crime against humanity ang war against drugs, dahil ang war against drugs po hindi lamang nananarget (target) ng mga civilian, kung hindi ito po ay opisyal na pag-exercise ng police powers of the state”, pahayag ng tagapagsalita ng pangulo.

Ipinaliwanag ni roque na isinasampa ang kasong crimes against humanity kapag tinatarget o may systematic attack sa mga sibilyan.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng preliminary examination ang International Criminal Court sa crimes against humanity na isinampa nina Jude Sabio at Senador Antonio Trillanes IV laban sa pangulo.

Base sa reklamo, nauwi na umano sa masaker ang anti- drug war campaign ng pamahalaan.

TAGS: crimes against humanity, duterte, ICC, Roque, crimes against humanity, duterte, ICC, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.