Metro Manila bantay-sarado ng PNP laban sa mga terorista

By Mark Makalalad March 07, 2018 - 04:20 PM

Inquirer file photo

Patuloy na naka-monitor ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga Muslim enclaves sa Metro Manila na posibleng pagtaguan ng mga terorista.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, hindi naman sa minamasama nila ang mga Muslim pero dahil galing umano ang mga ito sa Mindanao kung saan nakasentro ang pwersa ng terorismo ay binabantayan nila ang mga ito.

Posible kasing dito magtago ang ilan sa mga terorista kagaya na lamang ni Maute-subleader Nasser Lomondot na nahuli sa Tondo, Maynila noong March 3.

Paliwanag ng opisyal,  sa pitumpung mga Muslim enclaves sa Maynila ay partikular nilang tinututukan ang mga malalaking komunidad katulad na lamang ng Quiapo, Maharlika Village sa Taguig at Culiat, Quezon City.

Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa mga Muslim leaders sa mga nabanggit na lugar na nang sa gayon ay magkaroon sila ng ‘collaboration’ pagdating sa pagpapatupad ng peace and order.

Dagdag pa ni Albayalde, ginagawa nila ang naturang hakbang para mas maging pro-active ang kanilang hanay.

Mas mabuti na rin daw ito kaysa maging reactive sila na tutugin lang sakaling magkaroon ng aberya.

Batid din ng PNP ang local recruitment na ginagawa ng mga terorista kung kaya’t maging ito ay kanilang binabantayan.

TAGS: albayalde, lomondot, muslims enclave, NCRPO, PNP, albayalde, lomondot, muslims enclave, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.