QCPD may paghahanda na para sa sa barangay at SK election

By Jong Manlapaz March 07, 2018 - 08:38 AM

(CDN FILE PHOTO/JUNJIE MENDOZA)

Bilang paghahanda sa May 14 Barangay at SK Elections, nagsagawa ng inisyal na coordinating conference sa Kampo Karingal ang Quezon City Police District (QCPD) at mga opisyal ng congressional district ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, kabilang sa kanilang napag-usapan ang ilalatag na seguridad at iba pang preparasyon tulad ng paglalagay ng COMELEC checkpoints na ma-manduhan ng mga pulis at auxiliary units mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Paliwanag pa ni Eleazar, na layunin nito na maipaalam ang mga bawal o hindi dapat gawin sa panahon ng eleksyon kaya’t hinihingi ng opisyal ang pang-unawa at suporta ng publiko.

Kasabay nito ang panghihikayat ng QCPD na isumbong sa mga pulis o sa COMELEC mismo ang anumang labag na gawain sa election period para agad itong ma-aksyunan.

Upang maiwasan naman ang mga reklamo, mahigpit ring binilinan ng hepe ng QCPD ang kanyang mga tauhan na istriktong ipatupad ang tinatawag na ‘standard operating procedures’ sa pagsasagawa ng checkpoint at iba pang rekisito tulad ng tamang pagsusuot ng uniporme.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay, comelec, elections, QCPD, Radyo Inquirer, sk, barangay, comelec, elections, QCPD, Radyo Inquirer, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.