Mount Banahaw posibleng madamay sa sunog sa Dolores, Quezon
Nasunog ang mahigit isang ektarya ng kakahuyan sa Barangay Pinagdanlayan sa Dolores, Quezon at pangamba ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay madamay sa pagliliyab ang bahagi ng Mount Banahaw.
Ayon kay Dolores fire station chief, Senior Fire Officer 1 Susana Pedernal, ala-1:15 ng hapon kahapon nang sumiklab ang apoy sa boundary ng Dolores at Calendaria.
Umabot na ng alas-6:20 ng gabi ngunit hindi pa rin napapasok ng mga bumbero ang pinanggagalingan ng sunog dahil mahirap itong mapuntahan.
Ani Pedernal, ginagawa ng mga bumbero ang lahat para ma-contain ang sunog at hindi na ito umabt pa sa Mount Banahaw.
Pangunahing tinitingnan ng mga otoridad na dahilan ng sunog ang mga nagkakaingin sa lugar.
Samantala, ayon naman kay Salud Pangan na siyang Department of Environment and Natural Resources park superintendent ng Mount Banahaw at Mount San Cristobal, naka-standby ang kanilang mga tauhan. Aniya, trabaho nila ngayon na hindi paabutin ng forest ground ng Mount Banahaw ang sunog.
April 2016 nang nasunog naman ang nasa mahigit 50 ektarya ng plantasyon ng cogon sa Mount Masalukot sa Candelaria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.