Bagong ‘emir’ ng ISIS, pupulbusin ng pamahalaan – Malacañang

By Chona Yu March 07, 2018 - 02:56 AM

Blanko ang palasyo ng Malakanyang sa ulat na isang full-blooded Maranao ang bagong ‘emir’ na ang teroristang ISIS sa Southeast Asia.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit sino pa man ang mag take-over sa iniwang puwesto ni ISIS emir Isnilon Hapilon, tiyak na pupulbusin ito ng gobyerno.

Matatandang napatay si Hapilon sa Marawi City noong Oktubre matapos ang ilang buwang giyera roon.

Kumpiyansa si Roque na mapagtatagumpayan ng gobyerno ang paglaban kontra sa terorismo dahil sa ibinibigay na intelligence information mula sa ibang bansa.

Una rito, sinabi ni Philippine Army 1st Infantry Division Spokesman Major Ronald Suscano na isang Abu Dar ang bagong Emir ngayon ng ISIS sa Southeast Asia.

Si Abu Dhar ay dati umanong sub-leader ni Hapilon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.