Magpapanggap na ‘balik manggagawa’ binalaan ng POEA

By Justinne Punsalang March 07, 2018 - 02:48 AM

Nagpaalala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga overseas Filipino workers (OFW) na posible silang maharap sa kasong kriminal kung magbibigay sila ng maling impormasyon para lamang makakuha ng overseas employment certificate (OEC).

Ayon sa pahayag na inilabas ng POEA, napag-alaman nila na mayroong mga first time OFWs na nagpapanggap bilang mga ‘balik manggagawa’ para makakuha ng OEC.

Ayon sa POEA, posibleng maharap sa kasong paglabag sa Section 6 (b) ng Republic Act No. 8042 o ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, na inamyendahan sa Republic Act No. 10022 ang mga mapapatunayang nagbibigay ng maling impormasyon sa kanilang ahensya.

Paliwanag pa ng POEA, ang mga ‘balik-manggagagawa’ ay ang mga OFW na mayroong existing contract sa kanyang amo at babalik sa kaparehong amo matapos magbakasyon sa bansa. Maaari ring makonsidera bilang ‘balik-manggagawa’ ang mga OFW na babalik sa kaparehong employer ngunit magtatrabaho sa ibang job site.

Dagdag pa ng ahensya, bukod sa kasong kahaharapin ay posible ring mapigilang makalipad paalis ng Pilipinas ang mga OFW na mahuhuling nagpanggap bilang ‘balik-manggagawa.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.