Dalampasigan ng Panglao Island nilinis ng mga residente

By Justinne Punsalang March 07, 2018 - 02:44 AM

Nagsama-sama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga volunteers, at mga residente sa paglilinis ng dalampasigan ng Panglao Island.

Inisa-isa ng daan-daang mga volunteers at residente ang mga nagkalat na basura sa tabingdagat.

Kwento ng isa sa mga residente, nakiisa siya sa paglilinis upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang bayan. Aniya pa, hindi naman mapipigilan ang mga turista na magtapon ng basura kung saan-saan dahil walang tamang basurahan sa lugar.

Kabilang sa mga nakuhang mga basura ang mga upos ng sigarilyo, plastic bottles, at iba pang mga plastic.

Ayon kay Bohol Governor Edgar Chatto, hindi na kailangan pa ng mga batas para mapanatiling malinis ang Bohol. Aniya, sapat na ang pagmamahal ng mga Boholanos para maging maganda at mapataas pa ang turismo sa kanilang lugar.

Samantala, sa validation na ginawa ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang mga lokal na pamahalaan ng Panglao at Dauis ay napag-alamang nasa 400 mga establisyimento sa isla ang lumalabag sa environmental laws.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.