Papua New Guinea niyanig ng dalawang magkasunod na lindol
Muli na namang nakaramdam ng malakas na pagyanig ang bansang Papua New Guinea.
Batay sa abisong inilabas ng United States Geological Survey (USGS), 6.7 ang magnitude ng naturang lindol na naganap 10:13 ng gabi oras sa Pilipinas.
Naitala ito sa 112 kilometro timog-kanluran ng Porgera, Papua New Guinea at may lalim na 22.9 kilometro.
Samantala, isa pang pagyanig na magnitude 5.1 ang naitala ng USGS sa 91 kilometro kanluran ng Mendi sa Papua New Guinea. May lalim ang lindol na 12.7 kilometro.
Naganap ito alas-10:50 ng gabi oras sa Pilipinas.
Wala namang nakataas na tsunami warning na dulot ng nasabing mga pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.