Mga batang nabakunahan ng dengvaxia sa MIMAROPA ligtas ayon sa DOH

By Erwin Aguilon March 06, 2018 - 12:36 PM

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na lahat ng batang nabakunahan ng Dengvaxia sa MIMAROPA Region ay nasa ligtas na kalagayan at malulusog.

Ayon DOH Regional Director Eduardo C. Janairo, natapos na ang evaluation and assessment ang mga natukoy na recipient ng Dengvaxia sa rehiyon at lahat sila ay nananatiling masigla.

Upang manatiling protektado, binigyan na rin sila ng dengue kits na may lamang multivitamins, thermometer, mosquito net, mosquito repellent, sabon at manual ng mga impormasyon patungkol sa sakit na dengue.

Sinabi ni Janairo na magkakatuwang ang Dengvaxia Task Force, ang Provincial Department of Health Office at mga health worker sa mga lalawigan sa pagmomonitor sa kalagayan ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Noong February 22, 2018, naitala ng Regional Epidemiological Surveillance Unit (RESU) ang kabuuang 83 Dengvaxia Vaccine Individual o DVI sa MIMAROPA na karamihan ay mula sa Occidental Mindoro, 53; Oriental Mindoro, 15; Marinduque, 13 at dalawa sa Romblon.

Karamihan sa mga recipient ay nabakunahan sa pribadong klinika, ospital at pampublikong eskuwelahan sa CALABARZON at sa National Capital Region noong 2016.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, department of health, mimaropa, Radyo Inquirer, Region 4 B, Dengvaxia, department of health, mimaropa, Radyo Inquirer, Region 4 B

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.